agosto...

on 8/08/2013
august na naman.. tatanda na ako ulit ng isang taon...

pero alam mo kung ano namimiss ko...

ikaw...

ayieee kilig ang balls :D

namiss ko, namiss ko maglaro ng text sa kalsada maangas ako pag natatalo ko sila
makipagpatintero at sumimple mataya si crush na kalaban,
makipagbalyahahn sa agaw base,
magtago kasama ang cute next door sa tagutaguan,
humiyaw at sumigaw sa liga ng basketball ng barangay

asarin ang pikon ng barakda
tumawa na parang walang bukas
ngumiti ng wagas

makipagkwentuhan sa kalsada habang kumakain ng chichirya
makipagkulitan habang naglalakad sa daan
tumambay sa tindhan habang naguubos ng oras

manuod/sumubaybay araw araw ng isang anime
maglaro ng playstation sa dorm ng kaibigan
chumibog ng pikapika habang nanunuod ng pirated dvd
makinig sa lovestory ng bawat isa na parang nakakalokong teledrama lang

lumabas kasama ang pamilya kumaen sa jabee o macdo
matulog katabi lahat ng aking kapaid at pinsan
lumuha sa harap ni mama dahil sa sugat
tumawa kasabay ng iyong ama
masermonan ng mga titp't tita tapos libre ka nila ng candy o kahit sago't gulaman

maligo sa ulan
magtinda sa kalsada ng mangga
sumipat ng mga estrangherong nakakabusog sa mata
makipagusap sa di kakilala;maging kaibigan o kaya naman maging mag-kai-bigan

namiss ko ang 24 oras sa bahay
matulog ng tanghali magising ng may merienda

namiss ko, namiss ko ang mga bagay nuong ako ay bata pa.. maging ang mga oras na nakalipas na...

nakakamiss, hindi mababalik ang oras na tapos na
sa lahat ng aking nakilala thank you sorry i love you at lahat lahat na....

mag-23 na ako at tatanda pa...

madame pa ang lilipas na oras, magaganap sa lahat... kaya enjoy enjoy lang ang bawat araw ng daraan
ke toxic o benign ke happy happy man o may lumuluha.. wag palampasin

wala naman talagang nawawala, basta ba laging pahahawakan at tatandaan

-pong

(tara inom inom tayo sa birthday ko sagot ko basta ba hahanapin nio ako haha)




2 gumulo:

Wilberchie said...

weekend lang ako pede eh...... hihihihi!!!

Nomad said...

Happy Birthday

Post a Comment