Just a Nurse

on 3/04/2013
pag bukas ko ng account ko sa facebook, ang isang video ang aking napansin na umuulit ulit sa news feed ko, isang pulitiko na sumasagot sa katanungan ni mareng monzoon...

sa totoo lang wala akong hilig sa pulitika, pero umaasa na gaganda ang bansang Pilipinas, panu ba naman napansin ko lang kahit sino naman mahalal sa kanilang kinauupuan di mawawala ang anti-(insert name ng pulitiko here). pero teka mabalik ako sa bidyo...

wala sana akong balak panuorin, pero nababasa ko ang mga komento at mga nagsisipagpost nito na mga kapwa ko RN, may naiinis, naaasar, meron din naman na natatawa na lamang at meron pa nagsabi na "di yan pasok sa balota ko", dahil tuloy dun nakuha ang atensyon ko, ano nga ba laman nitong bidyo

Sus!, kaya naman pala nagalit ang ilan sa mga barkada ko na umuuno noong kolehiyo, mga sinuwerteng makapagtrabaho sa ospital kahit nakakapagod na, pati na rin ang ilan na di sumusuko sa pagtake ng exam

"di naman kailangan maging BSN (makapagtapos ng BSN?), di naman kailangan maging ganun kagaling" di man eto yung eksaktong sinabe niya pero yan halos ang pagkaintindi ko, o mga katagang tumatak siguro sa karamihan na nagpabulabog sa mga nurses ng bansa (lalo na sa facebook ko).

napaisip tuloy ako, napresure ba siya sa oras, alam niya ba sinasabe niya? kahit idea man lang sa amin kahit konti lang, lam niya ba ilan ang populasyon namen nurses na lolobo sa bilang ng pagboto...? alam kaya niya

sabagay ano ba alam ko sa pagpupulitiko..

Im "just" a nurse lang

na kasama mo sa ospital ng walo, dose o minsan disesais na oras matapos ka puntahan ng doktor mo
alangan naman magwalk out ako kung wala akong kapalitan at sumigaw ng "bahala na kayo, out na koo!!"

na minsan humahawak ng sampu, kinse o benteng pasyemnte (di OA, lalo na sa government mo mkita), dinaman nagdedelikado lisensya dun eh, di din nkakapagod kahit wala ng kain

na sumasalo sa galit ng pasyente pag di nabigay ang gusto, sa mkukulit na relatives protective sa lahat ng bagay pati gamit ililista bwat item  papaliwanag mo pag final billing na "para san to" "san to ginamit" "bkit mahal neto" "ilan beses ka nagbigay neto"

na mata at kamay nila doc, anu na nga ba nangyayari sa pasyente buhay pa ba? alam na ba nila doc, nakita ba to nila doc, nasabe ba ng pasyente ang complain niya tlga, ok pa ba sa mata ng health team, it's your call. doc magcode na tayo, (hala takbo na sa ecart!)

we are just a nurse, nag-aalaga lang

naranasan mo ng mag-alaga ng halos walang wala na, magbigay pag-asa, siguro mga taga ICU naranasan na,  life and death situation, maggising ba tong taong to after ng operation, tanong ko siguro sa taga OR, eh yung sumabay pa yung hysteria ni relative ang toxic na patient bka alam ni taga ER yan....eh yung dudumugin ka ng trabaho dahil sabya sabay magtotoxic at kailangan ka... malamang na experience ng Ward nurse yan....


Im not saying na angat ang nurse sa lahat ng profession, kanya kanyang hirap lang yan walang madali pantay pantay lang yan, tulungan lang din para sa kailangan ng ospital, lalo ng mga tao

kung di kailangang maging bsn o maging magaling, bakit pa mag effort, bkit ka pa kakabahan kung ok o hindi ang mga nangyayari, maging carefree n lang lahat LOL,

walang perpekto yes may errors din kame, pero natututo, bumabawi, dumidiskarte para sa ikabubuti ng lahat

ingat ingat lang din, lalo na kung kilalang tao...


-pong



ps: at sa darating na halalalan iboto PONG! sa senado wahahahah XD










3 gumulo:

MEcoy said...

below the belt talaga ung tira ni orange lady ee,
tho alam ko na di nya intention na makasakit
ee nagawa nya pag pulitiko talaga dapat maingat sa sinasabi
un lang napatunayan na di sya credible para sa papasukin nyang larangan

88-Nutty Thoughts-88 said...

given that 1 minute is not enough to burst out what's effin' on your mind but for Villar eh mukhang sapat na sapat na ang 1 minuto to bash out all the nurses....

ang "matalino" at "matinong" politician for me is hindi dumidepende sa haba ng oras ng pagpapaliwanag, whether 1 minute yan or 1 week na paliwanagan kung nakuha mo ang konteksto ng bawat salitang binitawan bilang isang matalinong tagapakinig eh ikaw pa rin ang syang huhusga....

:)

bagotilyo said...

Shes just a politician . hindi niya kailangang maging magaling. hahaha

Di ko siya boboto. Room Nurse pala ah!

wag kang maconfine confine sa hospital... ( mapaghiganti pala?) lol

Post a Comment