Ang Bisita

on 11/27/2012
Kinailangan makitulog ng pinsan ko sa bahay, dahil sa kanyang trabahong part time job sa isang christmas bazaar na isang sakay ng bus lamang ang layo kung ikkumpara sa kanila na papunta pang monumento

"Pinsan, paalam mo naman ako dyan na uuwi ako ngayun, mkikitulog na din"
ang text na  natanggap ko sa kanya na akin naman sinegudahan

"Walang problema insan, kaw pa eh dito ka din lumaki sa bahay ng ating lola"

matagal tagal na din na di kame nagkikita ni pinsan, kung tutuusin marami din ang tumira sa bahay ni lola, eto kung baga ang ancestral house ng pamilya namen, kaya solid din kameng magpipinsan dahil dito nagsipaglakihan

"May kasama nga pala akong barkada ko, yung pinag bestman-nan ko" ang habol nyang text
"Yun lang sige lang sus" ang tanging sagot ko

pero sa totoo lang kung tlgang solid kame dapat matgal na nilang alam na ganito dapat ang irereply ko

"yun lang sus gwapo ba yan isan kasi kung hindi bawal" hahaha natatawa na lang ako sa naisip ko...

ay siya nga pala, nakalimutan kong magpakilala

Ako nga pala si Leo, bente dos anyos na ako, isang nurse sa hospital na matatagpuan malapit sa amin, mahirap magtrabahao lalo na kung galing ka sa isang di kayamanang pamilya kailangan mag sumikap, pangalawa ako sa magkakapatid, kung iyong titignan parang normal na bata lang ako kasama.. may pag kaisip bata na hindi umangkop sa mukha kong may di kaamuhan, di man kalakihan ang katawan batak naman (marahil siguro sa aking pagbubuhat ng pasyente)
sa morenong kutis tumitindig ako ng mga 5'7 ang taas, tipikal na batang kalye ang ugali ko pag ako nasa bahay

Kung susmahin at para madaling sabihin, walang bahid, hayskul pa lamang alam ko na na may iba sa pag-uugali ko, di ko mapigilang humanga sa kapwa ko lalaki, di ko alam pero ganun talaga, ngunit syempre tapos ka na lahat lahat ni isa sa aming pamilya walang nkaalam, di ko alam magging reaksyon nila isa pa...

di tlga bagay....

makalipas ang aking pagpapakilala

Dumating na si pinsan kasama ang barakda sa bahay, galing na silang trabaho at dito
 na muna sa amin mkikitulog ng makaptid sa pamasahe at oras sa kanilang trabaho

walang halos pinagbago si pinsan halos ganun pa din, matngakad siya sa akin konti at me kakisigan ang katawan, palibhasa elemntary pa lamang mvp na ng basketball at kung  pagdating lamang sa papogian, di din naman siya papatalo, with his super lalake ugali and looks titilian talaga ng mga kababaihan

pero nabaling ang tingin ko sa kanyang kasamang barkada, sa tindig na 5 foot 10 inches, maamong mukha, mapungay na mga mata at mga labi na tlga naman parang ang lambot halikan, mapapahanga ka talga, kung ihahalintulad siya sa isang kilalang personalidad, kamukha niya si christ tiu na isang basketbolista...gawin mo lang ng yummy ng konti swak na swak na sa aking panlasa

para kahit papano mapabilis ang kwento, dahil magaling akong mkipagkwentuhan at at halos 1 buwan ang itatagal nila sa amin, sabihin na naten na builld ko aking malinis na rapport

mabaet at lalaking lalake kausap, nkktuwa dahil isang bagay lang di ko msabyan pag nagkkwentuhan sila ksama ang kuya ko

ang NBA playoffs! asar naman oh haha,...

pero dumating ang gabi na naiwan kame ng pinsan ng barkada ko...
akalain, nagkakilala pa kame ng lubos...



to be continued...


_______________________________________________________



uy mga kaibigan,!

fiction na kwento lang po to lalo na ang susunod na kabanata haha
subok lang maiba lng ng pagsulat, di na to mauulit pramis

fun facts!

1. ako si leo dyan kunwari heheh
2. totoong me bisita kame ngaun na nkikiovernayt kasama si insan
3. MVP tlga si insan
4. benta din tlga ang face value ni bisita, kumi-chris tiu nga
5. gawa gawa lang ang susnod na chapter pero totoong nagging kaibigan ko din siya ako pa! hehe


-pong



ps:love you hon makulet lang po ako pag nabasa mo to hehe kathang isip lang :P ang susunod na kweto behave naman me mwah





1 gumulo:

MEcoy said...

haha kala ko nung una ee totoo haha anyways want ko nag babasa ng mga novel ng bloggers aabangan ko to ha

Post a Comment