Stereotype...

on 2/21/2012
Umaga nang sumakay sa jeep...

papuntang palengke, mamimili...
dahil umaga maraming kasabayan, kung sabagay "public" utility transpo siya

may ksabay kang ppuntang palengke din, papasok ng eskwela, ung iba naman pauwi pa lang galing inuman

kapansin pansin ang isang lalaki,... me edad na din, siguro late 50's na din
di kaayusan ang suot, kalbo at dala ng hirap at katandaan bakas sa kanyang mukha

may nagpaabot ng bayad, nagkataon naman na siya ang may malasakit para mag abot,

isang studyante, mukhang anak mayaman





nang iabot na ang bayad, ang kanyang mga kamay, nakahawak sa may pinakadulong pera, ayaw itama sa palad ng lalake... halatang may alinlangan, pandidiri marahil?

ngumisi na lang ang lalake, at nanatiling "cool"... kung sabagay itsura nga naman diba...
ng iabot ng drayber ang sukli...


ang lalake ulet ang nagsauli...


tulad ng pagkaabot sa kanya, sa ganun paraan niya din iniabot ang pera, sa dulo bahagi ng mga barya, talgang may arte ang kanyang pagkagaya,... gayang-gaya talga...

tinarayan na lamang siya...



pero mga ilang sandali..

may sumakay,dalawang naggagandahang dilag, tapos ng kolehiyo mapapansin sa kanilang aura...
ng makita nila ang lalakeng aking tinutukoy....



ang nabanggit na lamang nila...

"tatay, kamusta ka na.." masayang pagkabati, malambing at halatang miss nila ng sobra, yung isa bumeso pa...

nagulat na lamang ang babaeng nagmataas sa kanya...
sa isip-isip siguro, bkit nkkilala ang mtandang lalake ng mga dalagang tulad nila



ang chickboy lang talga ng aking ama...
magaling makaisama kasi at tatay na tatay pag iyong nakaibigan,

kaya di ko maikakaila na may mga studyante talgang nagiging kaclose niya ng sobra, parang tulad sa amin ng mga anak niya...


sayang dala ng kahirapan at katandaan na din kung bakit siya nahuhusgahan agad agad,
sa simpleng pagtitinda-tinda, napagtapos ang isang engr at rn...

at meron pangdalawang pag-aaralin

sana nkikita din yung ng iba...





ay siya nga pala...


maligayang kaarawan sa aking tatay :D

-pong



ps:
late 50's talga nilagay ko di ko alam exact age na ni tatay haha, pasaway na anak Xd

3 gumulo:

CHRISTIAN said...

maligayang kaarawan kay tatay :))

egg said...

ayyyy ganda naman ng entry na to...

kayo ang trophy ng tatay mo pong lol.. kasi napagtapos niya kayo.. ayuuunnn!!!!!!!!!!!

Demonyitong Promdi said...

nice one kapatid!

;)

Post a Comment