on Job hunt...

on 12/01/2011
"sir, wala po kaming opening dito... volunteer lang"
"volunteer lang po ang offer ngayon"



me:" di nio ba alam na nagorder na ng memo ang DOH ng termination ng volunteerism?? bakit kayo natanggap ng volunteer, we nurses volunteering in hospitals to gain work experience and to obtain certificate of work experience for the employment abroad is not consistent in the provision of the law, we already have hundred of ours RLE's in our schools, pass the board to prove our competency, we need job, opportunity to practice our profession..."

(kalahating seryoso, mas gusto ko magtrabaho ng mtagal dito sa ating bansang pinakamamahal ayokong paliparin ako agad haha, patriotism kuno fresh grad eh)



wish ko lang na say ko agad yan hahaha


ang nasabe ko lang eh

:"ahh ok po ganun po ba :))"
____________________________________________________________

nililibot ko na ang malalapit na hospital dito sa amin, nagiinarte pa kasi ako na dapat hospital set-up ako, alam mo na pride konti hahaha

(in other words no good ako sa call center dahil bobobobo ako sa english with matching accent, di ko alam kung kaya ko med rep, di ko pa nasubukan...)

nothing against ako sa volunteer tingin ko dun din ako babagsak, problema lang, katatapos ko lang mag training kung panu manusok ng ugat ( hiwalay pa kasi yun... :( ) kaya wala akong pera pammbayad sa pagvovolunteer,

utang pa sa aking kuyakoy...


meron naman napuntahan,

kaso pooling pa sila ng mga tao, nakapag exam naman ako, na first interbyu na for panel na lang... tatawagan na lang daw kame...



kaso 1 year pa daw... hangtagal diba hehehe

ganun ata tlaga pag mahigpitan at kilalang ospital...


gusto ko lang naman matuto pa tru experiencce naman di lang sa concept
(mas hands on person ako XD)




eh yung pagsusundalo ko kamo kamusta...

ayun all set na lahat

sumabay nga lang yun sa zamboangang bombahan na nganap
natakot naman daw si mudra at ang lola ko... ayaw na ko patuluyin sa aking tito haha

anong connect... dun dapat ako madedestino kung sakasakali...


sabe ko naman
:"hospital naman yung pupuntahan ko, tutulong lang ako di ako makikipagputukan..."

"delikado baka makidnap ka kung mga civilian nga eh kung anu anu ngyayari"

so last priority ko muna yun... patakas kong pupuntahan hehehe

sabe pa nga ni lola...
"ok ng tambay ka wag ka lang dun sa mga sundalo..."




wait panu yung mga pangarap ko? hahaha Choz...




siguro konting halughog pa (tama ba tagalog ko?) makakita din ako
pag me oppurtunity agad kukunin ko at di muna iiwan...

oo, kahit di muna hospital set-up...

kahit...


pangko-call boy muna
JOKE!


-pong

4 gumulo:

RoNRoNTuRoN said...

Pong!!! Good luck sa job hunting mo... just dnt forget na humingi ng tulong sa Kanya, He'll lead you sa tamang work for you! :D Tiis lang, darating din ang trabaho sayo! :D

Wilberchie said...

dyan kay kuya ronron ka humingi ng tips! bigtime yan eh!

Axl Powerhouse Production Inc. said...

aww... goodluck sa maghahanap ng work bro....
i know makukuha mo din ang dream work mo...

pongpong pagong said...

Salamat sa lahat :D. di naman ako forever na tamaby magkakaroon din yan :D

Post a Comment