Kamusta pasko?

on 12/28/2011
Tapos na ang pasko at sunod naman ang bagong taon
lage akong nago-goyo ng dalawang holidays na to, laging mapanloko lalo na noong munting musmos pa ang aking isipan....


madalas kasi ang tanong sa akin ano daw ba ang nauuna...
pasko o bagong taon,

proud and confident ko naman sinasabe na pasko ang nauuna!

panu  ba naman ganun naman talaga ang pakiramdam
sige nga sinong bata ang sumagot na bagong taon ang nauuna bago ang pasko na me age range na 5-7 taong gulang....





ohh sige sige kayo na, kayo na magaling :P
di ako magaling magbasa ng kalendaryo at tumanda ng mga dates, 


salamat nga pala sa kaibigang facebook sa pag-papaalala ng aking kaarawan XD



at dahil maikling araw lang ang pagitan sa pasko at bagong taon, bumebwelo pa lang sa gastos ang mga tao dameng gastos kapag ganitong okasyon, pinaghahandaan siyempre minsan lang sa isang taon dumarating ang ganitong kasiyahan, kasiyahan sa pamilya, kaibigan at barkada, panahon ng pagkaka-ayos, good vibes sa lahat ng lugar at masasayang ngiti ng mga tao, pagkikita ng mga taong nais mong makasama, mga taong namiss mo ng sobra at siyempre panahon din ng bigayan :)

(kaya po natanggap pa din ako ng any gifts hanggang sa aking kaarawan :D )


pero sino nga ba nakakumpleto sa atin ng simbang gabi?
yung mga di tinamad umatend ng misa ngunit tulog naman sa mga sermon ni father, 

o baka naman meron lang nagsimbang tabi? masabing me attendance parang sa college lang...

kumaen ng masarap na puto bungbong at bibingka sabay uwi na?
syempre wag mo naman kalimutan mag dala ng pasalubong para sa mga natutulog pa...

hindi ako nagmamaganda, lalo't hindi ako perpekto...

nasabe ko lang,
panu ba naman lahat yata yan nagawa ko din...


hahaha pasaway na bata XD

basta ba nagdiwang kang masaya at nagkaroon ng panibagong meaning ang mga buhay buhay, nagkaroon ng isang taong napasaya mo sa simpleng paraan at sa konting oras,nakatulong sa nangangailangan sa kahit anong paraan, nag-paibig ng taong iyong pinkamamahal, o kaya natutong maggpatawad ng hindi mabigat sa kalooban...



ewan ko na lang kung di mo pa naramdaman ang Diyos o ang totoong kaligayan sa mga yan...


sabe nila kapag naranasan mo na ang pasko ay parang tulad ng ibang araw tumatanda ka na daw...
para sa akin age is just a number and young is an attitude (kume-KC lang?!)




















naniniwala pa rin kaya ako kay santa claus nagkataon lang na walang chimeneya ang aming bahay XD

(sa mga di gaanong masaya ang pasko, sana kahit papano, may nagpapasaya sa inyo...)


-pong


>bumibigat bumigat bumigat panahon ng siraan ng diet hehe



0 gumulo:

Post a Comment