Tama o Mali..?

on 9/17/2011
ano nga ba ang tama o mali?
kung sa palagay mo ang tama ay tama
at ang mali ay mali...

hanggat di natututo sa pagkakamali, pano mo makikita ang tama?

at hangga't naniniwala ka sa palagay mong tama, hindi mo makikita ang mali...

ang buhay hindi tulad ng libro't exam sa eskwelahan,

na iyong pag-aaralan at paghahandaan
na makikita ang tamang sagot
matapos makipagbakbakan
(maliban lamang sa board exam)


ang buhay habang nakikipagsapalaran,
natututunan...
napag-aaralan...
naplaplano...

at maari din naman paghandaan

basta ba wag kang susuko sa laban
at ipagpatuloy ang paglalakbay

pero kung talagang talunan
at mali ang pakiramdam

wag mo naman na kalimutan na bumalik at humingi ng tulong sa pasimuno ng buhay

anong malay naten...


ang tama nya, para pala sa iyong pagkakamali

at ang maling binigay niya, ay para sa iyong ikakatama....

-pongpagong
XD

0 gumulo:

Post a Comment