Something About ME:NO MR.Rich Kid

on 7/22/2011
siguro di na bago ang ilan sa mga kwento dito,
nkita na sa palabas sa tv, sa isang pelikula o maging sa isang babasahing libro, pero blog ko ito, kaya isusulat ko pa din :P walang basagan ng trip :)
____________________________________________________

pangalawa ako sa apat na magkakapatid, tatlong lalake at isang unica hija....

yung bunso yun hindi ako,

di pa daw sinipag niyan si tatay tipid pa kame niyan...

di ko naman masasabing ganun na kame kahirap noon, may kaya din naman, naabutan ko pa kasing nagtri-treat si tatay at mama sa jollibee, dumadaan ng manila zoo, ntutulog sa hood ng owner type jeep namen, at malakas pa talga ang benta ni tatay sa sari-sari store at banana cue, meron na din nun maliit na fruit stand...

kung sabagay magkanu pa lang ba gasolina noon?? ang pamasahe?? ang bigas??ang gatas?? ang askual?? pero sure ako nung bata ako... hanggang ngayon singkwenta sentimos pa din yung fishball, pero ang iskramble lumevel-up na :D

BAHAYKUBO
naranasan kong pinalayas kame dun sa lumang tindahan namen, kung sabagay, nkikitayo lng naman ang pwesto dun ni tatay, pero not sure ako kung anu ba talga ang story behind nun excavation namen, di pa ko napasok nung mga araw na yun, basta naalala ko na lang ginigising ako ng madling araw aalis na daw kame, tapos ang dameng dalang gamet...

ngayun yung pwestong yun parte na ng unibersidad na pinasakuan ko, sweet noh...

nagkaroon ng pangalawang pwesto ang tatay ko isang solid fruit stand na siya
same street at village pa din naman,dito medyo may utak na ako, medyo lang...
pagkatanda ko mula elementary gang 2nd year hayskul nandito kame, yup gang 2nd year lang, medyo may pagka NPA din kc kame haha (No Permanent Address)
panu ba naman kasi ang setup, malapit si tatay sa mga studyante, siympre di maiiwasan dahil kabataan maghahanap ng tambayan, naging siste ang katabing tindahan (to be specific carinderia) parang nagkaroon ng inggitan at siraan portion kay tatay kaya kame pinaalis, may pagkapasaway din kasi...

si tatay

(me apartment din kasi dun, ginawang caretaker si tatay at mama dahil kilala naman yung may ari, libre sa upa, pero pag may crabmentality ek ek dun na simula ang bye bye sa pwesto)

ngayun yung pwestong yun parang shake at mini sari sari store na siya at nandun pa din si carinderia, tibay >_<


As of now, nasa bike (sidecar ba?) na yung paninda ni tatay pero wiz kong matulog dun no, kaya dito ako sa aking lola, kasama si kuya,

ay don't worry me nabiling lupa...



ang tito ko, kapatid ni mama, tinayuan ng dormitory at sila ang tagapangalaga, nandun sila kasama dalwa kong kapatid...
di ko pa din masabing sa amin... pero okay na din, at least merong temporary address



semi broken family no?? di din iisang village pa din naman kame :D

EDUCATIONAL BACKGROUND
laking public skul ako mula prep gold hanggang fourth year calderon
etong kolehiyo lang naman ako nagprivate sa isang unibersidad
pota ang laki pala ng gastusin sa pagaaral buti na lang walkathon lang sa amin, kaya ang ganda ganda ng mga binti ko eh choz,

magkano lang ba pamasahe na naabutan ko ng elementary? 4-6 pesos tapos okay na ko sa cupkeyk at tubig, chokoleit at libreng sopas, solb na araw ko nun, kasya yan sa 20-30pesos na dala ko

eh nung HS, 50php for half day, 20 pesos para sa hotdog (uo mahilig na ko sa hotdog noon pa) tas tubig sa kaklase para libre, me 30 pa ko pang laro ng computer games hahah adik lang (counter at pauso pa lang nun DOTA)

at nung nasa kolehiyo ako, for the perstaym bumaon ako ng pera sa halagang...
ay wag pala akong assuming, pinapauwi na lang ako para kumaen haha

pero thankful ako at lumake akong public, in your face attitude ako sa mga private students, nilamangan ko kaya sila in terms of academic ng slayt, tsaka di din totoo na mas magulo kaming taga public, humahabol kaya tong mga pribadong studyante sa amin, minsan nga mas malala pa sa amin...

siempre kasama ako dun

pero in both set-up, nakakita ako ng mga taong tinawag kong kaibigan at barkada...

PARTIMES
kung saka sakaling nkakita ka ng nursing student, olwayt, nagtitinda ng mangga bibili ka??

panu ba naman yung maluwag ang sked, tambay ako sa pwesto ni tatay, superbantay kaya ako, karamihan nagtataka, yung iba natutuwa, pero muka akong mr.congeniality sa mga kaklaase kong dumadaan at mega kaway naman ako sa kanila, sabay sabe ng "ui, bili naman kayo oh",minsan epektib minsan smile na lang ehehe

masarap nga din pala ako magluto ng banana cue, elementary pa alng natuto na ko, pinapanood ko kasi non si tatay, hanggang nung hayskul ako na talga ang chef ng oltaym peyborit merienda ng bayan, at super benta ko din siya, nakakatuwa nga pag nakikita kong nauubos, ay siya nga pala...

natutunan ko din ang turon, maruya, kamote cue at kamote fries...
kayo baka gusto mong tikman ang banana cue ko?? for free pramis >:)

o ipagluto na lang kita, pero may service charge, Choz..
________________________________________________________________



gagawa ako ng sarili kong anthology hahah, and it all about ME...
-pong pagong

(*you may know my name, SOME of my story, but don't judge me by this blog, try mo pa din kilalanin ako... hints lang yan sa personality ko, kasi maging ako kinikilala ko pa sarili ko, para sa akin continous ang pag-alam sa sarili, imba no gagawa nga ako ng sarili kong theory hahaha >_<)

2 gumulo:

Demonyitong Promdi said...

nice one kapatid na pong!

Life is a continuous journey where we also continuously find our purpose in life..and eventually find our self..

Kapatid, be thankful, and I know you are, because of your sincere way of telling how you lived your life and how your parents raised you and your siblings..it defines your humanity..

I am proud of you bro..:D

pongpong pagong said...

@DP: thanks for being proud kuya. :D

tama, life is a continous process to find our purpose and our self...

I LOVE IT kuya

Post a Comment