Something About ME: So Childish

on 7/23/2011
PART1:SAM:NMRK

Buti na lang 90's baby ko, feeling ko tong era na to ang panahon kung saan masarap maging bata, uo medyo di pa ko makamove on sa pagging bata pasensya nkakamiss kasi talga
_____________________________________________________

More on computer games na talaga sa panahon ngayon, at di ko naman sinabe na di ko to nahiligan, pero siyempre nadaanan ko ang BASIC na paglalaro ng kabataan bihira ko na lang makita sa lansangan

madalas pa nga pag nakakita ako ng mga batang naglalaro sa kalye, napapangiti ako sa sarili ko parang gusto rin sumali, pero lugian naman pag sasali pa ko sa isang team, kawawa ang kabila. Sabi nga...

Find Your height

KAIBIGAN
meron akong kababata noon, anak kasi ng kumpare ni tatay, siya ang una kong naging kalaro at kaaway, kahit siguro sabihin mong uhugin pa ko nun at ang sipon ko ay lagi kong pinupunas sa sando kong damit... parte na siya ng memory mo kahit ganu ka pa kabata non di mo makaklimutan mga pinagsamahan niyo, o sadyang matibay lang memory ko??

Wowie nga pala ang pangalan niya, nope hindi yung artista, kababata ko nga eh

siya yung lageng nakaakbayan mo, kasama mo kumaen ng fishball, kahati mo sa laruan mo , at ang binubully ko (kung baga kung uso na noon ang salitang bromance, kame na yun, ako ang Top siya ang Bottom), medyo maiinitin kasi ulo ko at mabigat ang kamay ko...

pero noon yun,ngayon sintomas na lang pinapakita ko (haha sakit?)

one thing lang sigruo na di ko malilimutan eh pagnagsusumbong na siya sa tatay niya, pinapagalitan kasi ako ng kumpare ni tatay maging ang tatay ko na din,durog din ako...
(di pa kaya ako ganito kabaet noon)

umuwi siya sa probinsya nila, matagal na panahon din bago siya nakabalik, mga halos 14 years din yun, pagkatanda ko etong college na kame nagkita, halos wala pa din pinagbago....

payat pa din siya at medyo mas malaki pa din ako sa kanya (height and weight)
pero parang mas naging define ang face niya, kung baga nag ka hitsura ba si loko...

in short...

straight pa din siya at ako

AAaaAAtttcchhhIIiingggg...

move on na nga

LAMAN NG KALYE
halos lumake ako sa kalsada, lalo na sa kanto namen, kahit na medyo strict-strict-an ang mga tita't mama mo, boys will be boys (echoz) kaya hayun lage akong nasa kalasada nakikipaglaro,wala yata akong pinatawad na laro nung bata

mula sa tayaan papuntang tumbang preso
hanggang sa 10-20 papuntang jackstone
(siyempre nagkaroon ka din ng babaeng kaibigan--Defensive?)
at lutolutuan papuntang bahay-bahayan (tatay pa role ko niyan :D)

trivia lang, yung lutulutuan ko, di yan yung bumubili ng laruan talga, nagbubungkal ako ng lupa tas lalagyan ko ng tubig at mga damo tas hahaluin ko lang lalagay sa basong plastik, okay na ko dun...

wan taym, pinaghukay pa ko ng tatay ko, kala niya siguro lalaki akong construction worker kasi lage ako naghahalo ng lupa...


olataym favorite ko patintero't agawan base

oh diba ang manly lang ng gusto, hahah, walang halong joke yan talga laro ko noon,physikalan, nasa dugo yata talga namen yun,

pati text di ko malilimutan, yung tipong lalabas ka na ang dala mo isang dangkal ng text, halo-halo pa yun may ghost fighter,dragon ball,BTX, tom sawyer, basta lahat ng napanood na cartoons, tas pag nanalo kaw maghahagis ka sa ere ng balato, pag natalo naman uwi ng bahay kukuha pa sa shoe box ng text hehehe

naglaro din ako basketball, shooting nga lang,... di naman ako makasali noon sa liga sa amin, sayang...

dame pa naman kapatol-patol sa amin hehe

GAYGAMER
at dumating na nga ang era ng mga computer, nakakaadik lang sa isang bata...

kung sa bagay bago pa lumabas ang mga ganyan, naging tambay ako at ng pinsan ko sa arcades sa mall na malapit sa amin
 (ngaun ukay-ukay at dvd na ang bentahan sa mall na yun wala na yung mga arcades T_T)
bago pa kame magkaroon ng PS1 naglaro din ako ng family computer...
ever peyborit ang contra at ang circus
at bago pa ako maglaro ng counter strike...



may baril-barilan na ako nun

ngayon DOTA naman tapos ang mahal ng gastos sa Ragnarok...
buti na lang my private server di na kailangan ng load hehe

nung magka PS1 at 2, (bigay lang yung 2 sa amin ng pinsan ko)
tinapos ko ang FF (Final Fantasy), natuwa ako sa Crash Bandicoot, naging drag racer ako sa Gran Turismo at NFS, bsaketball player naman sa NBA at pumapatay ng zombie sa Resident Evil...

kaya siguro sarap din maglaro...

napupunta ka sa ibang dimension at nagiging isa ka sa karakter, panandalian iwan ang magulong mundo relax relax din minsan, maging mabangis at malakas...


oo, ako na gamer

ang boyish ko pala hahaha


-pongpagong
(*you may know my name, SOME of my story, but don't judge me by this blog, try mo pa din kilalanin ako... hints lang yan sa personality ko, kasi maging ako kinikilala ko pa sarili ko..)

0 gumulo:

Post a Comment