togang itim at PICC :)

on 4/10/2011
mangilan-ngilan din ang naging post ko bago sumapit ang pinakahihintay namen lahat...
nandyan yung ngpagupit pa ko for preparation ng aming baccalaureate mass
yung aking munting pasasalamat sa mga CI
asar ko sa requirements
meron pang kadramahan ko at syempre ang di ko malilimutang(na) limang daang tanong ^^
___________________________________________________________________________________________


matapos ang labing limang taon (prep,elementary,HS at narsing) ko na pagbalik balik sa eskwelahan
sa araw pa ng kagitingan ko pala tatapusin ang lahat
ang huling marcha kung saan ako bilang isang one time student lamang ^^

di man ako nagwagi bilang  (suma/magna)cum laude
o  magkaroon ng magagarbong awards, reagalo o kahit pa ang bonggang salo-salo
naging masaya ako


dahil di biro lahat ng pinagdaanan ko

di ako pinanganak ng may gintong diaper, kahit nga lampin wala pa
ang tatay ko, tagatalop lng ng mangga sa kanto
at ang aking mahal na mama, na dumadakilang ina
sila, sila na naging motivation ko upang mkatapos

at siyempre si Engr.Kuya, na pinagtapos din ng tatay ko, na medyo naging financer ko
(na full scholar, di tulad ko, kaya hirap ako, matalino talaga si kuya di ko reach hehe :D)

kasama na din ng ilang tulong mula sa aking tito'tita
tatangalin ko ang aking hiya makatapos lng ako...
(siyempre ayokong may masabe silang masama sa angkan ko :-D)

kahit pa mdyo nada-down ako, ok lng masusuklian ko rin ito
ng walang paghihiganti sa puso ko :)
(sabe nga ng kaibigan ko bad daw yun..)


di na muli pang magsusulat ng promisory notes
o ipapaharap ang tatay ko sa twing ayaw tanggapin ang bayad kong di umabot sa quota
di na din mag-aaway si  mama at tatay kung saan kukuha ng pera

di na din ilalalko ang aking sarili (joke lng ito pramis, sumanggi lang kc sa utak ko :) )
(pero may balanse pa talga  ako heheh,)

alam ko sa sarili kong di ako isang henyo (tulad ng kuya ko o ilan sa barkada ko)
pero para sabihin sa inyo, di din naman ako ganun ka loko (tulad ni, ay i dont want to name names na lang heheh ^^)
dahil kahit papano nakakauwi ako ng munting papel na nagpapangiti sa mga taong naririto
(at stars sa kamay ko hahahaha)

at for the record (at yabang na din) isang beses lng ako ngkatres
(ngloko2 din kc sa finals, panu parang joke time ang tumingin sa microscpoe at kaibiganin ang bawat parasites at mikrobyong makikita mo)

at sa araw na ito
matatapos sa pagbanggit ng magandang pangalan ko (iba kc spelling eh pagbigyan nio na khit simple lng hehehe)
kasama ang malalapit sa akin (pamilya't mga barkada ko)
sabay2 kukunin ang papel na nagpapatunay ng pagtatapos ko

at higit sa lahat isang malaking pasasalamat sa dakilang lumikha
sa lahat lahat ng bleessings,opportunities and trials na dumating sa buhay ko
next level na po ko ^^
more challenges, more responsibilitites and siyempre more partey partey heheh :)




__________________________________________________________________________________________

Trivia kuno
.laking public ako kaya mdyo hirap ako sa  private(unibersidad) kong paaralan
.8 years ang gap namen ni kuya kaya myaman kame non,kme tatlong magkakasunod, 4 and 2 years lng pagitan kaya mdyo tight sa sinturon at wallet (at sa sitwasyon na din ng economy ngaun siguro)
.kahit walang tiket sa PICC, nakapasok si tatay, maging si tito kaya niyang papasukin ayaw lng, IMBA talga hahah
.isa sa barkada namen cum laude, we are so proud :)
.parang tinambayan ko lng ang PICC
.di na ko naluha sa "farewell", nkakasawa (joke, kumorot pa rin sa puso pero no tears na)
.mamimiss ko college life, and no regrets sa mga (simple) achievements ko at mga nagawa


-pongpong

1 gumulo:

egG. said...

good luck sa bagong journey or chapter ng buhay mo ehehehhe.... :D

nakikicoment lang po... :)

Post a Comment