DADDY :D

on 2/01/2011
(Dahil sa February ang birth month ng tatay ko,... gusto ko lang magsulat ng lahat ng sumaggi sa isip ko in the "father idea" something like that, ahahah arte much??, wala lng...basta topic ko dito tatay mode.. :D)

------------------------------------------------------------------------------------------------
TATAY PONG PAGONG

-minsnan sa isang party-partyng naganap noong christmas with my gimikeros barkada,sa isa sa bahay ng barkada, nandun pagalagala ang kapatid niya, 2 or 3 years old ata?? babae.. (o di to kwentong pedophile umayos ka nga!, hehehe), malambing at sobrang cute, makulit at napakalovable talga... mapapagod ka nga lng ng bonggang bongga...

ang kwento??, ayun, dahil super close agad ang bata sa amin ayaw ng bumitaw sa pagkakabuhat,pagkakarga,pagkakakandong,at pagpapaalaga sa amin, ahahaha..., at dahil sa ako ang pinakamabaet sa grupo namen (hahaha nagbuaht ng bangko?, oh partida mabait pa ako neto) sa akin huling nagpabuhat ang bata at ayaw na nila pang kunin sa akin (maging ang ate niya ahahah langya kayo,iwan daw ba sa akin) at habang karga-karga ko ang bata at pilit itong pinapatulog me sumagi sa utak ko:

"gusto kong magkaanak.."
(take note!, hindi yung ako mabubuntis ah,ung ako makakabuntis CHOZ, ung sa akin galing, yung ako ang tatay)

sumaggi sa utak ko na gusto ko din magkaanak as early as possible, para pag tumanda na aketch, at least halos magkasing barkada lang kame ng anak ko, gusto ko nga ngaun pa lang me anak na ako, kaso bawal strict prents ko ahahaha, hirap pa buhay...

pero bigla kong na realize, naisip ko na gusto kong magkaanak pero di ko naiisip kong sino partner ko? kung babae nga ba?? kung maganda ba siya at magiging mabuting nanay, ahahah tumawa ako bigla nun magisa, parang sira...>_<

-------------------------------------------------------------------------------------------------
DADA'S LOVE

-mabaet naman ang tatay, kahit nung bata ako, ako pinakamaraming palo diyan, panu kasi ako pinakapasaway sa magkakapatid, isip ko nun eh ako black sheep (gang ngaun naman eh ahahaha)kaya ayun, kaya siguro sabihin na naten na ako na din ang naging malapit kay tatay (hahahah ang gulo no?, pagpasensyahan niyo na, magulo talga utak ko, parang puzzle >:D)

dahil ke tatay nakapunta kaya ako manila zoo (once k pa lang napuntahan to nung me owner pa kame), at linggo linggo din kame nasa jollibee nun hehehe myaman pa dati eh ahahaha

minsan sa kung bakit ako nahahataw noon eh dahil sa kilos ko (hahah uo nung bata pa lng me pagkamahinhin ako kumilos, nasobrahan ata sa super ego), yun lng din naman ayaw ni tatay eh mga bading, maging ang kuya at buong bahay ata kaya ayun lumaking (AaAAaaAtchinnnngg)paminta, na refine kilos ko ahahaha..

pero me ganitong kwento,... minsan me nkapgkwento sa akin (katabing pwesto namen)narinig si tatay at ang barkada niyang pinaguusapan ako..
(me barkada dati ang tatay kolehiyalang nakikitambay sa pwesto namen, high school ako nun kaya madala ako pa bantay nun)

barkada: bading ba yang anak mo?
tatay: hindi ganun anak ko.
barkada:me pagkamalambot kumilos minsan
tatay: haha, ganun lang yun pero di bading yun
barkada: eh tay, panu kung ganun nga?
tatay: eh kung ganun nga talga, wala tayong magagawa dun,  bsta lumaki siyang matinong tao

(hahah feeling ko nasabi lang to ni tatay dahil sa barkda niya, nkakatakot talga kausap si tatay pag mga ganyang topic, hehehe,... at siyempre di ko pa din sinasabe mga kalokohan ko, malay mo me pagasa pa ahahahahaha)

kaya nga love na love ko ang PERFECT na kanta ng SIMPLE PLAN

"hey dad look at me, think back and talk to me did I grow up according to plan?"
"it hurts when you disapprove all along"
"try hard to make it, I just wanna make you proud"
"I never be good enough for you, cant pretend i'm allright"
"but you cant change me"
"I'M SORRY I CAN"T BE PERFECT"
---------------------------------------------------------------------------------------------------
SOFT SIDE

-pero one thing na namana ko kay tatay eh ang babaw ng luha niyan,(aside from pagging mayabang at lapitin ng chicks,ung chicks sige kahit palitan mo ng... alam mo na ahahaha) yup me  pagkaiyakin tong tatay ko, madrama to sa buhay eh ahahahah,

one time kasi family problem, tulad nga ng sabe ko above, close kame ni tatay (weh?. sige na nga ugali ko talaga na feeling ko concern ako sa lahat ng family members ko, ewan ko ba)

nagkausap kame father and son talaga (masayang malungkot ang pangyayari yon wag na naten ielaborate etong paguusap n lang)

tatay: yung pagging mapagmalasakit mo wag na wag mong babaguhin yan
me: (silencio)
tatay: gusto ko lang naman eh magkakasama tayo sa iisang bahay
me: LOKO ka kc
tatay: kaya nga wag niyo akong gagayahin
me: wala naman naging masama sa inyo eh
tatay: malamang sabihin mo yan,anak kita eh

hanggang sa dumating ang luha ko, cry cry mode ng biglang...

tatay: masyadong mababa ang luha mo, PAKALALAKE ka nga, mahirap sa lalake ang ganyan
me:(tahimik bigla, punas luha, tinding ng maayos, ahahaha ntakot ako bigla, carried away?)

ng pagtingin ko ke tatay, naluluha na din naman pla siya... hehehe
(sige2 mdyo2 lang... barakong barako talga si tatay, batangeƱo eh... hehehe)




ps. nga pla tay,advance happy birthdays, LOVE LOTS ^_^





-pong pagong

8 gumulo:

Axl Powerhouse Production Inc, said...

ang sweet naman... so touchy... happie bday kay tatay!!

pongpong pagong said...

thanks, makakarating... sabihin ko sabe ng barkada ko ehehe

sweet naman ako talga, di lang halata ahahahha ^_^

egG. said...

biglang napaaga ata ang FATHERS DAY....

buti ka pa kasama mo tatay mo.. ako nga me tatay pero di ko siya nakasamang lumaki... hehehe..
--------

malay mo magkaanak ka.. basta be a good person lang... hehehe... malay mo me babaeng magpapatibok ng iyong puso lol...hahaha :D

tomo si tatay... basta maging matinong tao lang... :D

nice post!!! :)

pongpong pagong said...

TAMA!hehe...

malay nga naten, swerte naman nung gurl na yun ahahah CHOZ.. ^^

Thanks egG, :D

Desperate Houseboy said...

salamat sa pagcomment. at taga las pinas ka pala tol. san ka dun? hehehe

pongpong pagong said...

Salamat din ^_^..

yep taga las pinas ako...
kinabahan naman ako bigla ahahah :D

Ester Yaje said...

dahil sa name mo naalala ko yung pagong sa mutya ng abs. hahaha. color green. LOL. nwei, salamat sa pagtambay sa blog ko. balik ka! :)

pongpong pagong said...

hehehe, sayang di ko napapanood yung mutya, me character pala ako dun ^^,

sure sure, bbalikbalikan ko blog mo hehehe kkalibang basahin :D

Post a Comment