Crashed2 (overwhelmed)

on 2/20/2011
BEST 2 hours and 30 minutes ko,di malilimutang araw, kelan kaya mauuulit, iba talga pag di mo expect... post valentine ko ito nyahahaha, FEELINGERO
*******************************************************************************

sa aking paglalakad pauwi, puno ng pagod ang katawan at tanging pahinga lamang ang aking iniisip...

ngunit sa di kalayuan ikaw ang aking nasilip,

nakatamaby, naghihintay, naiinip, habang humihithit ng yosi kasabay ng pagpadyak ng iyong mga binti

nilapitan kita, tinabihan, nkipagkwentuhan

halos walang pinagbago ang muka mong walang kasing angas, mata mong kayang ilabas ang tunay  na ako at ang bango mong di natin maikakaila, isa ka ngang tunay na lalake

sabi mo hinihintay mo girlfriend mo
sa isip isip ko, bkit pa eh nandito naman ako??

nang mapansin mong tipong aalis na ako sabe mo
maya ka na umalis samahan mo muna ako...

sa boses mong nanguutos na tipong wala akong ibang magagawa ngunit meron din namang lambing na alam mong kahinaan ko

at syempre anu pa nga ba at ako ay nagpauto


lumipat tayo ng pwesto, matapos ng ilang mahahabang kwento
at muli ikaw ay nagsindi ng paborito mong sigarilyo

sabe ko
tang na, pang ilang yosi mo na yan??

ang sabe mo lang
malakas na talaga ako magyosi pag naghihintay pero pag nsa bhay o normal na araw lang, di naman ako nagyoyosi
tinanong mo ko, anu mga posibleng mangyari kung pagpapatuloy mo ito

at ako, todo pagkalinga sayo, pag tuturo ng mga bagay bagay na sana makatulong sayo at sinabihan kitang

tigil mo na nga yan, grabe ka

at ang sumbat mo naman
girlfriend?, girlfriend?
girlfriend ko nga nag yoyosi din, hehee

di lang yun may tip ka pa sa akin kung pano di malalasing sa inuman dadaluhan mo

at uo nga pala sino nga naman ako kung di barkada mong may malaking paghanga lamang sayo?

at bigla mo naman tinanong sa akin
nagkaboyfrend ka na?

di ko alam ang isasagot ko kaya akoy napailing ng hindi sa tapat mo

pero kilala mo ko, sabe mo pa nga
kilala kita pong kaw pa, hahaha

nakakatuwa, dahil alam mo kung kelan ako nagsasabi ng totoo at kelan naman hindi
at malamang alam mo na din ang kalokohang ginawa ko

at nong malaman mong nagkaroon, humagalpak ng kakatawa
di ko alam kung masaya ka para sa akin o natutuwa ka lamang sa akin
pero ok lang ako, mpatawa lang kita, tumitigil ang puso ko


tumigil ulit ang puso ko ng pakita mo ang litrato mo
na akmang ibibigay mo

ngunit siyempre asa naman ako,
pinaglaway mo lang ako

sabe mo baka pagjakolan ko lamang ito
sabe ko na lang
baba naman ng tingin mo sa akin

at nagpaumahin ka sabe mo joke lng
pero tama ka, bka nga pagnasaan ko yan hahaha

papasahan mo ko ng picture mo galing phone mo
pero pagkamalas malas, low bat ako,..



nang papunta naman tayo sa isang tindhan upang mabili ng mangunguya
sabe ko sagot ko na kahit walang pera ang aking bulsa pero

sabe mo
wag na, ako na, lam ko nmang mamimiss mo to
sabay siko sa akin na may ngiting nakakaloko

at ako natameme at nagpaubaya na lamang

dahil sa isip isip ko, tama ka, ngaun lng tayo nkapagkwentuhan ng ganito,
dalawa lng tayo
wala akong kaagaw di tulad pag may reunion tayo
na kasama mo ang tropa mo at gayundin naman ako

ang casual ng ating paguusap
akong bading na bading sayo
at ikaw na tinuring mong tropa ang isang katulad ko

ng magsalita ako ng thank you di dahil sa libreng piatos
kung di sa pagaasal mo
di ka umimik ngumiti ka lamang
at nagsimula ulit tayo ng panibagong kwento

at uo nga pala, ang pustahan di ko malilimutan bgo ikaw umalis
na ako ay bibigyan ng babaeng katext
na kapag aking nadale...

papadale ka na din sa akin


package nga sabe mo pa...

at ako naman ay na padalawang isip bigla



at sa iyong pagaalis, dahil sabe mo nandiyan na siya
ako ay nakangiti ngunit malungkot sa puso ko

ang akala kong isang buong araw na pagsasama, dalawang oras at kalahati lng pala

sa iyong pagaalis sabe mo
ui, una na ako, thank you boi ah


at nabanggit ko n lamang,
sus wala yun ikaw pa

lumingon ka sa akin, at ngiti ang iyong binalik
di ba pwedeng flying kiss na lang??

hahaha harot ko, pero yung oras na binigay mo malaking bagay na yon
tunay mo kong kaibigan maging ikaw sa akin
kahit alam mong
crush na crush talga kita kahit pa noon

at sa aking paguwi, di ko matago, saya ng aking mga labi...

---------------------------------------------------------------------------------------------------
hahahaha

madamingnagyari di ko makwento lahat, idaanan nalang natin sa ganitong paraan hahaha

>♥PONG

6 gumulo:

egG. said...

ang harot lang lol... kaw na ang maligaya...

at least di ba me nagpapasaya sayo di ba??? lol....

namnamin mo lang yan.... para di sayang lol... heheh

nice post :)

ingget ako... lol

pongpong pagong said...

hehehe, barkada ko naman siya nung hayskul kahit ppanp, :D

sakto lng, bihira naman kame magkita nito kahit iisang campus kame, kaya mahaba haba din yung kwentuhan...


lam na naman niya yun hahahha ^___^

chelle9teen said...

ano to?? nahuhuli nnaman ako.. lagi na lang kasi kayo nina jam at aivan ang magkakasama..

pongpong pagong said...

hala,,, sorry much,>_<... si crush yan... :D, obvious ahehehe

buendiaboy said...

kinilig ako infairness

pongpong pagong said...

@buendiaboy.. hahaha, tlaga, :)), salamat sa pagbabasa ^^... sweet namen no?? heheheheh :D

Post a Comment