Selosa kong BEST FREND

on 1/21/2011
warning:, medyo ang ganda ko dito... echoz lang ahahaha >_<

"sana nabasa mo muna ung sent items ko bago mo ko hinusgahang malandi.. ang ganda ko nama... na lalake, nyhahahaha, anyways, ang masakit don eh mas walang tiwala ka sa akin?? d ako mauubusan ng lab layp, ako pa...! keri ko tampuhan eh, but ang trust??, after saying that to me?? accept da consequence... wala na ung buong(my full name kasama inital at "pong" in between).. ;-D;);-)"

eto, eto sana ang huling text ko sa knya nung kasagsagan ng init ng sagutan namen, pero nagtimpi ako at di ko na si-nend.. iiyak ang gaga, hahaha

teka, bkit nga ba ako nkapagreact ng ganito, anu ba ngyari??


FLASHBACK TAYO PLUS REWIND

kwento ko muna si best frend.. ^_^ (nga pala babae siya ^^)
masasabi ko lang eh ganito...

maganda siya at magaling magenglish, matalino wag lang sa math (forte ko yun hehe kya palitan kame assignments niyan dati)
mabait at prangka, stubborn minsan pero ok namn kasama
maarte sa tamang paraan at di mawawalan ng salamin sa bag
kikay kung kikay, wan of the boys din naman
sophisticated nga at paminsan minsan
ready sa galaan, kaya lagi ko kasama sa kung saan saan, lalo na kung me ma-sa-sight kame at game pag gustong pagtripan

and for the record, siya unang tumawag ng best sa akin, dahil ako lang naman ang umintindi at handa siyang damayan, samahan sa kung saan saan, siyempre, naging best ko na din... no choice eh, (JOKE ahahaha, masaya din naman kame lage pagmakasama)

so pano nagsimula ang away??

december ng nakaraang taon, bgo sumapit si christmas...


me pinakilalang manliligaw, bagong boylet!
at guess who, well di niyo pala mage-guess...

bsta, model siya ng isang eskwelahan, at di ko sasabihin kung anong kors, its either maritime, nursing, criminology,HRM o khit vocational korses,

 pramis meron siyang maliking billboard, ahahaha oh, bhala na kayo

so pinakilala niya sa akin si boylet nga, mas gwapo siya sa... picture?? pero humahabol naman sa personal (bat kasi nauso ang editing at potoshop ahahaha)

mabait naman,matangkad, moreno, me pagkachinto ang mata, at ang pinaka gusto ko eh GALANTE, ahahahaha

siyempre nabusog ako sa lahat ng libre't sinagot niya, (kung gusto mong magudshot sa akin, daanin mo ko sa tiyan, ahahahaha echos lang, pero half meant)

so ok na, gudshot na siya sa akin, keber ko na kung maging sila basta wag lang
sasaktan ang maganda kong kaibigan..
(muntik na kasi ako mkipagsapakan sa bf niya dati, well X na niya ngaun kasi nahuli namen na me ibang gurlalou at todo iyak,luha at di makali si kaibigan dahil nakausap pa namen tru phone)

ng biglang nagtanong ang kaibikan kong itago natin sa pangalang.. hmmmm nick (ahahaha boy version?)
nick:straight naman diba (WTF?)
pong: uo naman.. (silencio for 2 minutes), mahinhin lang kumilos, pero mukang straight naman me ganun naman talga diba, isa pa pasado sa akin nyhahahaha
nick:nga eh hahaha,. pero di naman nga siguro, tangkad pa
pong:yep, perstaym na mas me tumangkad sa akin na pinakilala mo, di tulad dun sa bansot mong X ahaha
nick: ahahaha

-so eto na nga... kinuha ni guy ang number ko, plus point para kunin ang number ng kaibign ng kaibigan mo diba... ang kaso, dun kame nagsimula mag away

1 text massage received
-niloadan ako ni loko??? 20php, sayang nman unli naten ahahaha

nag text siya... tago naten sa pangalang.. Z
Z:text mo ko pag naresib mo ung load ok, thanks
pong: yep, bkit anong meron?? thnks sa load ah
Z:wala kasi ako kausap eh, baka pede kaw (confused much na talga ako dito!)
pong:ngak, bakit ako, si nick?? pero ok lang din naman
Z:23 of december yezz! (uo sila na po, pinakilala sa akin ng 20)
pong: ah hehehe, sige ok kaw inagatan mo kaibigan ko, :D

(after lets say 30-45 minutes?)

Z:sinabi mo ba ke nick na niloadan kita?
pong:hindi bkit?
Z:tinanong niya kasi sabe ko oo, lam mo naman maglie pa ako
pong:ngak?? magseselos yun (opo, major major as in bonggang bonggang selosa yun sa lahat ng bagay sa mundo!)
Z:pati ba naman load pagseselosan niya?
pong: yup, explain mo mayos na di ako nanghihingi ng load ah magagalit yun...


(1 hour)
nick: nice niloadan ka pala ng boyfrend ko, baka mainluv ka sa kanya nyan, btw adnvance mery christmas sayo (shet teka?? binabato mo ba sa akib y\ung pagbabati mo??, di ako makapagreact agad after 10 mins reply aketch)
pong:ei, di ko hinihingi in, ngtahnk u lang n ako kahit ako nagulat, yoko kaw magisip ng kung anu ano, merry xmas din :)
nick: im sorry pong, lam ko na type mo siya, but dont ever flirt wtih my boyfrend (siyetness talga!,sayong sayo ang bf mo, di ko ugaling makihati o mangaagaw, selfish din kaya ako,choz >_<)
pong: nandun na tayo, pero di ko siya flirt, k, kilala ko sarili ko, dame ko lalake gusto mo bigyan pa kita? ahahahaha,di ako nghingi ng load at di ako unang nagttext sa kanya, at sinabe ko din kung ganu ka kaselosa, happy new year
nick: (eto na ung masakit na part!) "MAY TIWALA NAMAN AKO SA KANYA,KC SABE NIYA NEVER SIYANG PAPATOL SA BADING, happy new year din

d na ko nagreply after diyan, durog puso ko eh, mas me tiwala saiya dun sa 2weeks niyang manliligaw over sa akin na 5 years niyang nakasama!, and ever since di talga ako nagreply, walang halong kung ano pero
sino kasama niya nung humahagulgol siyang umiiyak?
sino kasama niya pag lahat ayaw siya samahan dahil sa di nila trip ang gagawin mo?
sino nkasama niya na halos tumawa siya ng pagkalakaslakas?

sino?? well i dont wanna name names ehem pong...

EPILOGUE
>nagsorry siya tru text, di ko na nireplyan, dapat irereply ko ung nasa itaas, pero wag na lang, sabe nga ng isa kong barkada sa FOUR-EVER, silent treatment n lang daw, sabe naman nung isa ngaun m lang nkita ung ugaling yun (honestly hindi, alam ko di ko lang akalain na magagawa sa akin, di ka mauubusan ng lalake gurl, dame pa diyan!)
>nagtetext pa din si Z pero ayoko na replyan in short dalawa silang di ko nirereplyan (tanga ko din, di ko alam kung anu objcetive ni Z at kung anu nakakarating ke nick, d ko na inusisa)
>nagmessage na sa Fb si nick, at dun k nlng nireplyan (di naman sa walang load pero nakakahiya naman kakapost ko lang nagmessage agad siya) ang laman lng naman yun eh, apology letter niya, sabe ko K,out na muna ako sayo, enjoy yur lablayp :), yan yan na lang nasabi ko
>at ang pinka latest, di pa din kame naguusap kahit 7php lang ang pagitan ng layo namen ni nick


p.s. sabihin na naten na nakakatawa, at tinatawanan ko na din pag naaalala ko, pero part of me is inis at asar pa din, siguro, siguro lng..., mahal ko din ang kaibigan ko,^^


-pong pagong :D

0 gumulo:

Post a Comment