ELEMENTARYA.. ^^

on 8/11/2010
>Always talking about high school life and college days., but hey.. before stepping to these "realities", were does it all begins..?

elementary days..
Dito, para sa akin ang pinaka FIRST day... eto ung unang yapak na pakakawalan ka sa seguridad ng iyong tahanan, kung saan matututo ka hindi lang sa mga BASIC na kaalaman pati na rin sa iyong personalidad..
kung pano ka noong hayskul ka at kung ano ka ngaun na nasa kolehiyo ka, malamang ang pinagugatan niyan eh ang iyong ELEMENTARY.. ^^

Sa elementary natutong magbasa at magsulat.. na hanggang ngaun malamang ginagawa mo para makabuo ng love letter o di naman kaya ng iyong blog.,
natutong makinig sa mga guro, na hanggang ngaun sumusunod ka sa mga propesor mo

>naaalala mo ba ung mga teacher na mo na laging me dala ng stick na pamalo? hahaha, eh ang mabatuhan ang buong klase ng "flying shoes" sa blackboard?? ang mga guro na tatanungin ka pa lamang eh halos matanggal na puso mu sa kaba?? nakakatawa no, pero lahat ng to naranasan ko.. di ko alam kung for fun experience o nakatulong, pero ang masaya, naranasan mo >:D

MATH, favorite ko tong mula elementary at hayskul.. heheh
>Multiplication Table sino d nakakakilala?? hehehemeron yan sa likod ng notebook mu.. problema mo lng hangang 10 lang ang numbers niyan e panu na yung 11,12,13... and so on..
(hangang ngaun di ko kabisado ang 6,7 at 8 ng multiplication table >.<)

At eto pa, lahat ng makaseatmate mo dun lang iikot ang kaibigan mo hahaha :D
buti na lamang kahit block na section 2 ako (ehem!!) pa lipat lipat naging upuan ko, nakilala tuloy ako, ay maging sa mga service pa pala,. dun mas magulo ang pagiging bata ko ^^

>Elementary unang nagkaroon ng mga kaibigan, na halos ituring mu ng kapatid mo, kalaro mo sa patintero, agaw base at kung saan saan pa., dito din ngkaroon ng mga kaaway dahil sa mga simpleng maliliit na bagay >_<. siyempre dito na din nagsimula ang mga crush-crush... at sino di makakalimot sa mga slam notes.. ^^, hehehe...

ang mahalaga dito nagsimula ang unang grupo mo ng mga kaibaigan.. ^^V


HAYSZ.. sana nakasama ko pa ng mas matagal ang elementary barkadas ko noong reunion...
sayng nakakamis ang pagkabata..

dame na din nagbago sa kanila...

saya..


-PONG GALAPONG-

0 gumulo:

Post a Comment